Connect
To Top

Lolit Solis on Kris Aquino: “pag minahal mo siya, mahal karin niya”

Entertainment columnist Lolit Solis celebrated her 75th birthday and shared that despite her current health condition, actress Kris Aquino greeted her a happy birthday.

In an Instagram post, Nanay Lolit vouched for Kris’ character and said that Kris is really a person worth loving.

“Talagang na touched ako ng tumawag si Alvin ni Kris Aquino, Salve. Ipinararating ang pagbati ng Happy Birthday at kung gusto ko ng SnR GC dahil padadalhan niya ako. Hindi ko inaasahan dahil alam ko na may health problem si Kris, medyo marami siyang inaasikaso at hindi madalas ang communication namin.

Talagang si Kris Aquino isang very reliable person. Puwede hindi mo siya nakikita o nakaka usap ng madalas, but she is always there, alam lahat ng nagaganap sa paligid. Kaya kahit sa mga friends niya na akala nalimutan na sila ni Kris Aquino magtataka pag bigla na lang may note from her, or gift na ipinadala niya. May mga moods si Kris pero hindi niya nalilimutan pag may ginawa kang maganda para sa kanya.

Actually worth it mahalin si Kris Aquino dahil marunong siya mag reciprocate ng love, pag minahal mo siya, mahal karin niya.

I am so grateful na all this years, kahit hindi kami nagkikita o nag uusap, may certain way of communication kami na alam namin will always bind us together. I wish na sana gumaling na si Kris, maging strong siya physically, emotionally stable , at always happy. Kahit wala na siyang lovelife, sapat na ang pagmamahal sa kanya ng 2 niyang anak, sika Joshua at Bimby para maging kampante siya. Sapat ng maging strong and healthy siya to make everyone happy.

Kris Aquino is a good person, marunong magmahal sa nagmamahal sa kanya, marunong ibalik ang respeto, at hindi nakakalimot sa mabuting ginawa mo sa kanya. Love her, worth it mahalin si Kris Aquino, kaya saludo kami sa kanya”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News