Connect
To Top

Lolit Solis on Sunday noontime show competition: “between GMA7 and ABS CBN lang”

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her thoughts and opinions over the ‘ratings competition’ of Sunday noontime shows.

In her Instagram account, Lolit posted a photo collage taken from ABS-CBN’s “ASAP Natin ‘To” and GMA’s “All-Out Sundays”. Lolit shared that it seemed that the competition is only between ABS-CBN and GMA. Lolit also compared the performers of “ASAP Natin ‘To” from TV5’s “Sunday Noontime Live!”. It was recalled that “ASAP Natin ‘To” recently aired in TV5 and it replaced “Sunday Noontime Live!”.

==========

Related Stories:

==========

Lolit wrote:
“Proud na proud na ipinapakita ng GMA7 iyon rating nila pag Sunday Salve. At parang talagang ang competition is between GMA7 and ABS CBN lang dahil pagpasok ng Asap sa TV5 bigla tumaas ng konti ang rating nito kesa duon sa dating Brightlight sunday show. Para kasing punong puno ng energy lahat ng performers ng Channel 2 as compared nuon sa mga host ng Brightlight. Hindi nagawa nila Piolo Pascual at Maja Salvador na hilahin papuntang TV5 ang mga followers nila. Naging hindrance din nga kasi na parang mga reluctant stars sila na laging nagsasabi na mananatiling Kapamilya kahit na meron ng show sa ibang network. Kaya tuloy na compare sa energy ng mga original Asap ang mga lumipat. Pero iyon na nga, kahit ano pang pintas ang gawin sa All Out Sunday, heto at sila parin ang nag number 1. Huwag mo naman sabihin hindi dahilan si Alden Richards kaya matatag ang show, talagang solid ang following niya, at kahit anong programa niya sinusundan ng mga ito.

Bongga talaga ang labanan ng GMA7 at ABS CBN, ang hirap pasukin ng third party, pero konti pang tiyaga dahil magaganda naman mga bagong shows ng TV5 kaya magiging malakas na third force parin ito. Hindi pala tutoo na dahil sa signal, talagang iyon viewers may mga sinusundan na gustong programa. Iyon gusto nila, kahit saan network susundan nila, kaya pinatunayan iyon ng Asap, at napatunayan din na kahit sikat sa social media hindi ma translate sa rating ang lakas. Imagine mo na akala nuon una, bobongga iyon mga sayaw ni Maja Salvador kesa kay Kim Chiu, pero nanalo parin si Kim. Pero wala tatalo talaga sa mga followers ni Alden , talagang loyal sa kanya. Naku, lalo na ngayon, mas magaganda ang mga numbers na ibibigay nila dahil buwan ng mga puso, panay tiyak pahusayan ng mga song numbers sila Mark at Christian Bautista, Martin Nievera at Gary Valenciano, ay iyon comedy skit ng All Out Sunday gagandahan na nila lalo para huwag ng ibash at maging relevant sa musical show. Ay fighting musical on a sunday, bongga !! #classiclolita#takeitperminutemeganun #73naako”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

FEATURED VIDEO:

You must be logged in to post a comment Login

More in News