Connect
To Top

Lolit Solis reacts to Ara Mina’s ring worth 2.8 million and 10k per plate reception food

Entertainment columnist Lolit Solis claimed that the wedding of actress Ara Mina is too grandiose in this time of pandemic.

Nanay Lolit was reacting to an article written by Linda Rapadas that Ara’s wedding ring is allegedly worth 2.8 million and that reception food will cost 10K per plate. Ara will soon be married to Dave Almarinez.

Here is the post of Nanay Lolit:

“Natutuwa na sana ako Salve sa balitang natagpuan na ni Ara Mina ang lalaking mamahalin habang buhay. Nakakatuwa dahil matapos ng ilang pagkabigo sa relasyon, heto at kahit pa nga meron din konting intriga sa magaganap na wedding nila dahil sa past relationship ng groom, ok parin, dahil si Ara Mina ang pinili na ihatid sa altar.

Hindi ko lang nagustuhan iyon sinulat ni Linda Rapadas na 2.8 iyon worth ng ring at 10K per plate ang pagkain sa reception. Pera naman nila iyon, ok lang, pero di ba in bad taste na ngayon pandemic pinag uusapan iyan mga halagang ganyan ?

Bilyonaryo ba ang groom ? Multi millionaire ? 10K per plate, talagang meron presyo, 2.8 ang worth ng ring, grande ha.

Sana naman inisip ni Ara Mina na para bang over the top naman ang mga ganitong balita,na para bang nakakawala ng romance dahil meron presyo na naka tag. Saka ok lang kundi nabalita nuon na meron ibang babae na involved na puwede umiiyak ngayon , o baka iyon nga ang purpose , ang lalo pang umiyak ang babae na naiwan ?

Sana Ara medyo dahan dahan sa mga pasabog, hindi classy iyon may pinag uusapan ang presyo, parang may konting yabang. Ok na maging maligaya ka, huwag na may presyong nakakabit, mas maganda at romantic pang lalabas. Happy wedding at congrats.

(Photo source: Instagram – @therealaramina)

You must be logged in to post a comment Login

More in News