Connect
To Top

Lolit Solis reveals Willie Revillame and Sharon Cuneta’s “different” kind of problem

Entertainment columnist Lolit Solis shared her opinion regarding the problems or concerns facing TV host Willie Revillame and singer actress Sharon Cuneta.

According to Nanay Lolit, while most Filipinos are more concerned about their livelihood amidst the pandemic, Sharon is concerned about her health while Willie is concerned about whether to accept the invitation to run for Senator.

Nanay Lolit posted the following:

“Alam mo ba Salve na ang daming inggit kay Sharon Cuneta at Willie Revillame. Kasi nga, halos lahat ang problema sa buhay ang pandemic, ang pera, at ang covid 19, sila Sharon at Willie iba naman. Problema ni Sharon na magpa-breast o boob job dahil laylay at maraming fats dahil nga tumaba siya, so go siya sa USA para sa breast operation.

Si Willie naman, problema kung paano tatanggihan ang alok na tumakbong Senador, nagugulo ang utak niya dito. WOW di bah?

Mga problema na nakagulo sa isip nila, hindi gaya ng mga ordinary citizen na ang problema saan kukuha ng pagkain, paano pag nagkasakit, ano gagawin dahil nawalan ng trabaho. Iyon ang reality ng buhay na dapat natin tanggapin, bawat tao iba problema, bawat tao iba ang level, bawat tao iba.

Sarap sana kung lahat tayo ang problema lang, paano papayat, paano palalakihin o papaliitin ang boobs, paano tatanggihan ang pamimilit na kumandidato? Sarap sana di ba? Pero hindi puwede, kasi nga dapat pantay ang mundo, may mahirap, may mayaman, may maganda may pangit, may bobo meron din matalino.

Hindi puwede lahat tayo pantay, dahil iyon talaga ang nakatakda. Alin mas gusto mo, isipin ang kakanin bukas, o paano alisin ang sobrang taba sa boobs? Ano mas mahirap bigyan solusyon, pambayad sa upa ng bahay o iyon alok na tumakbo na senador ? Kaya pareho din problema di bah, magka iba lang, pati solusyon.

Iyan ang life, parang buhay. Kaya tiisin lang natin.”

(Photo source:

You must be logged in to post a comment Login

More in News