Connect
To Top

Lolit Solis sa hiwalayang Bea at Dominic: “it takes 2 to tango”

Entertainment columnist Lolit Solis shared her thoughts and opinions about the breakup of actors Dominic Roque and Bea Alonzo.

According to Nanay Lolit, in order for a relationship to work – both should be involved and make it work. And if it fails – then the two, not one is to blame.

On Instagram, Nanay Lolit posted the following:

“Natawa naman ako Salve na kasali ako sa issue ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang ako na ang sawsawera ng taon ha, dahil kahit anong issue lagi nakakabit ang name ko. Kaloka talaga. Pero isang bagay masasabi ko, kundi nagtatagal mga relasyon ni Bea Alonzo hindi niya kasalanan iyon.

Sabi nga it takes 2 to tango, imposible isa lang ang may issue, sure na 2 kayo na hindi nagkasundo. Pag hindi naging mapagbigay iyon isa, tiyak na hindi nga magtatagal. Dapat talaga meron isa na medyo mas magbibigay para maayos ang problema, hindi puwede iyon sabay kayo sa emotional heat of the moment.

Dapat talaga isa ang medyo magbaba ng pride, o huwag ng sumabay sa init ng ulo ng isa. Communication is the key sa maayos na usapan.

Basta open lagi ang line between you and your partner, walang magiging problema.Kaya naman kay Bea Alonzo sure ako na makikita parin niya ang partner na babagay sa kanya, at talagang magmamahal ng lahat sa kanya, unconditional, kahit ano pa siya.

Basta itanong niyang mabuti sa sarili niya, ano ba talaga ang gusto niya at hinahanap niya, at pag nasagot niya, hayun na, makikita na niya ang mailap na ligaya na hanap niya. Promise Salve at Gorgy, sure ako.”

(Photo source: Instagram – @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News