Connect
To Top

Lolit Solis sa kanyang karamdaman: “tanggap ko kung anuman ang kapalaran ko”

Entertainment journalist Lolit Solis admitted that it is not easy to get sick. Nanay Lolit is currently undergoing dialysis twice every week.

Nanay Lolit shared that there are days that she feels good, and there are days that she feels down and weak.

But despite of her condition, Nanay Lolit continues to trust the Lord for He knows everything and that He is in total control.

On Instagram, Nanay Lolit posted the following:

“Alam mo ba Salve na ang dialysis ay hindi preventive kundi para ma prolong ang life mo. Meron bad at good day sa dialysis sessions kaya iba iba ang feeling mo pag natapos ang treatment na ito. May days na feeling mo na energized ka, feeling light ka.

May days naman after dialysis you feel down at parang nanghihina ka. Basta hangga ngayon ang hindi nawawala sa akin iyon feeling na irritated ako bakit parang iyon iba ang ganda ng acceptance at ang saya habang nagda dialysis. Sad at medyo galit ako ng makita ko isang old man na mag isa nagpa dialysis dahil walang makakasama sa kanya .

Parang very pathetic, gusto mo pang ma prolong ang life mo samantalang now pa lang wala ng oras para sa iyo mga kasama mo sa buhay. Alam ko na marami sa mga friends ko nagdarasal para gumaling ako, like si Ed de Leon, salamat sa dasal. Sino bang tao ang ayaw mabuhay. at sino bang maysakit ang ayaw gumaling. Pero iyon acceptance ng kung ano dumating sa iyo isa din malaking bagay para maging magaan ang pagtanggap mo.

Lahat ng bagay na nangyayari wala sa iyo ang sagot, nasa kamay ni God. Kaya tanggapin natin ng walang question. Isa lang bagay ang dapat huwag mawawala, iyon tiwala mo kay God na sa lahat ng bagay alam niya ang sagot. Na kung anuman ibinigay niya sa iyo alam niya na kakayanin mo.

So tanggap ko ang sakit ko, at tanggap ko kung anuman ang kapalaran ko. Tatlo ang doktor ko, Dr Florante Munoz, Dra Rowena Linga at Dra Nema Evangelista. Dalawang beses ang dialysis session ko sa isang linggo, bantay alaga ako sa FEU Hospital kung saan ako dinadala pag kailangan ko ma hospital. Talaga lang hirap magkasakit, kaya please, sana gumaling na ako. PleasešŸ˜­ #classiclolita”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News