Connect
To Top

Lolit Solis shares Sharon Cuneta’s new house is like a mall or hotel

Singer actress Sharon Cuneta is building the family new home and entertainment columnist Lolit Solis said the house is rumored to be as big as a mall or a hotel.

Nanay Lolit said the reason behind it is Sharon’s preparing for her children’s future home to stay. Nanay Lolit posted the following:

“Bongga naman iyon nabalitang laki ng bahay ni Sharon Cuneta Salve. Para daw mall o hotel. Dahil nga siguro paghahanda para sa 4 niyang anak at magiging pamilya ng mga ito kung sakali , dahil di ba sabi ni Sharon gusto niya kung sakali sama sama sila sa isang lugar kung sakali ?

May nakita na akong ganyan bahay, iyon bang sub divided iyon buong house at bawat room complete with their own sala and kitchen, isang bahay pero bale apat na complete facilities ang bawat room. Baka ganuon ang idea ng bahay ni Sharon at Kiko Pangilinan , pinaghandaan iyon future kung saan bawat anak nila may sarili ng pamilya at lahat sila magkasama sa isang compound di bah ?

Gandang idea at concept, at least together kayong lahat pero may sarili kayong mga space for privacy. Advance talaga ang ginawang thinking ni Sharon for the future, at ito na nga siguro ang magiging permanent house niya at pamilya for her whole life.

Bongga talaga ang megastar,mega house din ang bahay fitted for a queen. At malapit lang sa metro manila, nasa Cavite lang kaya accessible parin sa kanilang trabaho, lalo ngayon na ang bilis na ng biyahe dahil sa mga skyway na ginawa. Tutok talaga si Sharon sa construction na ang bf ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao ang gumawa.

Happy home for Sharon Cuneta and family, bonggacious talaga.”

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)

You must be logged in to post a comment Login

More in News