Connect
To Top

Lolit Solis sinabing laos na si Willie Revillame: “Wala man lang naghanap”

Nakaka sad naman Salve mga nangyayari ngayon. Para bang gusto mo na lang isipin parang isang panaginip na lang ang mga nagaganap. Hindi mo aakalain na ngayon naghahanap ng isang network si Willie Revillame na kukupkop sa kanya. Samantalang nuon kasikatan niya para siyang hari o king na hinahabol habol.

Maiisip mo ba na isang Willie Revillame malalaos at wala ng pumapansin ? Hindi man lang siya napag usapan ng magkaruon ng issue ang mga afternoon shows dahil sa tapatan. Wala man lang naghanap sa isang Willie Revillame.

Sa isang iglap bilang naging laos si Willie. Kaya nga ang advice namin sana mag retire muna siya at bumalik kung meron ng naghahanap sa kanya. Mukha naman kawawa ang isang Willie Revillame kung nandiyan siya at walang pumapansin di ba?

Alam mo naman kung minsan harsh ang mga fans, pinapa feel nila sa iyo na you don’t matter anymore. Kaya nga ikaw mismo dapat tanggap mo ano talaga status mo. Kawawa naman si Willie Revillame kung wala ng sisigaw para sa kanya. At kung tutoo na bayaran iyon ibang sumisigaw, kahiya naman pag ganuon nga talaga di bah !

Naloka nga ako na bigla umeksena at nakipag meeting pa daw sa mga Jalosjos ang Revillame, at kung tutuo na siniraan pa raw ang mga hosts ngayon ng Bulaga bongga siya, ganda mg ugali niya ha, tirador talaga. Pero hayan nga, walang pumansin, walang nag effort na isali siya, as in waley, kaya dapat tanggapin na.

Hindi na niya talaga panahon,wala na siya sa radar, dapat tahimik na lang siya at bilangin mga datung na naipon niya nuon. Mas maganda pa iyon, kesa parang pulubi na kumakatok sa mga pinto para mabigyan ng oras. No more time, pahinga muna.”

(Photo source: Instagram – @willierevillame)

You must be logged in to post a comment Login

More in News