Connect
To Top

Lolit Solis slams other wealthy celebrities as she salutes Gretchen Barretto

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her admiration to former actress Gretchen Barretto over her generosity.

In her Instagram account, Lolit expressed her honest thoughts and opinions regarding the relief goods that were sent by Gretchen. Lolit saluted Gretchen as she shared that despite not having a project to promote, there are no other celebrities who can do what she did. Lolit also expressed her dismay as she slammed the other wealthy celebrities as they are not as generous as Gretchen.

“Walang tatalo pa sa ginawa ni Gretchen Barretto na magbigay ng Gretchen Love Box o Gretchen Ayuda, Salve. Walang puwedeng itapat iyon mga celebrities na nababalitang multi million ang kinikita, meron collection ng mamahaling Hermes bags, signature shoes, jewelry. Mga celebrity na konti lang ang ibinigay o iniabot nasa news agad.”

“Mga ang yayabang na kumikita ng malaki pero para naman ang baba ng tingin sa mga tinulungan. Si Gretchen sa tulong ni Ana Abiera at ilang member ng press tulad nila Francis Simeon kinuha mga address ng bawat bibigyan ng Gretchen Love Box, personal na dinala sa bawat bahay. Hindi gumagawa ng pelikula, serye, o anuman si Gretchen.”

“Hindi rin siya tatakbo sa eleksiyon. Wala lang , gusto niya lang bigyan ang almost 100% ng showbiz press, mga kapwa artista, ilang taga showbiz na nakasama niya. Magandang klase ng bigas ang binigay niya, imported ang karamihan sa mga groceries, hindi mukhang ayuda ng DSWD. Kabati o kaaway niya pinadalhan niya. Walang nakagawa ng ganito sa mga top celebrities natin.”

“Ngayon lang ito nangyari ng walang okasyon, pandemic nga pero matagal ng wala sa showbiz si Gretchen. Wow, big brave heart talaga. Meron din nagbigay ng 1M na hindi nagpakilala, may nag abot ng 150K at 100K. Tulong sa mga showbiz writers dahil nga pandemic. Pero ayaw ipabanggit ang mga pangalan. Kaya kadiri iyon mga stars na konti lang ang inaabot, pupuntahan mo pa para makuha, compared sa mga tao na tulad ni Gretchen na talagang nagbigay respeto dahil personal na dinala ang tulong o regalo sa bahay ng bawat isa.”

“For the longest time hindi malilimutan ng showbiz ang ginawang ito ni Gretchen Barretto. Whoever advice her to do this is surely has a bright mind. At kung ito ay mismong idea ni Gretchen, bow ako sa big heart niya. Incomparable, unforgettable, remarkable talaga. “

“to talaga ang pinaka brightest moment ni Gretchen Barretto. A big bow to you Gretchen. Thanks Ana Abiera. Hindi puwede tapatan iyon gesture na ito, kahit pa nga sabihin kaya rin itong bilhin ng ibang binigyan. Iyon thoughts na kaakibat ng gesture ang talagang kahanga hanga. Nasaan na ang mga nagsasabi na multi million ang kinikita nila? Na kaya nila bumili ng Hermes o Rolex ?”

“Hindi nila naisip iyon ginawa ni Gretchen. Hindi iilan lang tao, almost 100% ng showbiz. Kahit gawin nyo pa ngayon, nauna na si Gretchen Barretto. SALUTE !!! “ Lolit wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News