Connect
To Top

Lolit Solis talks about Bea Alonzo’s “ghosting” experience

Entertainment columnist Lolit Solis in her recent post talked about the ‘ghosting’ experience of Bea Alonzo with her past relationship.

Ghosting is a term used to describe the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication.

On Instagram, Nanay Lolit posted the following:

“Alam ko na Salve at Gorgy kung bakit pina cancel tayo ni Bea Alonzo sa kanyang mga presscon, as if naman marami hah hah hah. Siyempre pag ikaw babae at ma ghosting ka, forever ng tatak mo iyon at trauma. Iyon feeling maganda at sikat ka, tapos ghosting ka ng 2 beses ng boyfriend mo, ang sakit sakit nuon ha.

Forever nasa isip ng marami ang tanong na WHY ? Bakit nangyari iyon kay Bea ? Ano ang problema sa kanya ? Kaya siguro para gumaan ang pakiramdam niya, hayun, huwag invite sila Salve , Gorgy at Lolit. Na ghosting ako, pa cancel ko kayo. At parang tulong narin natin para gumaan loob ni Bea Alonzo.

Isipin mo naman na 2 oras talagang naghintay ang press people kay Bea dahil siguro matagal inayos ng glam team ang mga mata ni Bea na baka galing sa iyak everytime naiisip niya na na ghosting siya. Saka siyempre affected ang skin at facial features mo pag meron kang problema kaya nagtagal ang make up na ginawa kay Bea.

Ang hirap ayusin iyon lumalabas na sama ng loob sa mukha , kahit number 1 make up artist mahihirapan para magmukhang fresh si Bea ha. Kaya kalimutan na natin iyon power tripping na na feel ni Bea Alonzo sa presscon niya, tutal naman balitang hindi naging mabenta sa market iyon product na siya ang endorser , saka iyon na nga, napakahirap para sa isang babae ang ma ghosting, maawa na lang tayo sa kanya at ipagdasal na sana magkaruon na siya ng lalaki na tunay na magmamahal sa kanya.

At huwag na siya ma insecure kay Julia Barretto na pinili ni Gerald Anderson. Promise nyo Salve at Gorgy ha”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis / @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News