Connect
To Top

Lolit Solis tinawag na ‘reyna, queen, madam, boss of all time’ si Bea Alonzo

Entertainment columnist Lolit Solis made it clear to her followers that she and actress Bea Alonzo have never met in person, they do not know each other personally so that is no gap and no issue between them.

According to Nanay Lolit, the camp of Bea didn’t like what she wrote about her comment about Bea’s character in ‘Start Up.’

On Instagram, Nanay Lolit detailed the incidents:

“Tawang tawa naman ako sa mga nagtatanong kung bakit daw may gap kami ni Bea Alonzo, Salve. Wala kami away dahil never ko pa siyang nakita in person. Hindi kami magkakilala, kaya dapat wala kami maging issue.

Nagsimula lang iyan ng nag IG ako na hindi bagay sa kanya ang role sa Start Up na bagong graduate kaya hirap makakita ng trabaho dahil dapat medyo younger sana ang gumanap na star sa role. Patola ang kampo ni Bea Alonzo na nag react, personal ang naging basa sa ginawa kong comment. At duon na nag simula ang sagutan.

Hanggang tuloy tuloy na at naging petty na. Iyan ang mahirap pag lahat na lang pinapatulan, dapat basahin mabuti at gamitin sng comprehension mo para maintindihan ang ibig sabihin ng comment. Ngayon, tutal naman feeling ni Bea Alonzo non entity ako, at kahit ano ang sabihin o isulat mananatili siyang mega star of all season, Ok lang.

Ayaw niya makita ako sa mga presscon niya, ok lang, kainin niya food na para sa akin, idagdag niya enve sa TF niya, pasado parin. Ayaw niya ako makita sa mga pupuntahan niya, go, walang problema. Lahat ng hiling ni Bea Alonzo pagbigyan ko, dahil baka malay ko, abutin siya ng 100 years old na sikat parin, ano laban ko duon di ba !

So Bea Alonzo, ikaw na, talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka, saludo na ako sa powers mo, pero tandaan mo, 2 beses kang na ghosting ni Gerald Anderson, so meaning, kulang parin ang ganda at powers, wala parin nagawa ng iwanan ka. Huh huh huh !!!”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis / @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News