Connect
To Top

Lolit Solis to Bea Alonzo: “I Am Very Sorry”

Entertainment columnist Lolit Solis admitted to her shortcomings and apologized to actress Bea Alonzo for hurting her feelings for the things that she wrote and said about her.

Nanay Lolit have been criticizing Bea for various reasons.

Nanay Lolit that she has never pretended and have been true to herself: “Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga”

Here is the full post of Nanay Lolit on Instagram:

“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan.

Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo. For that, I Am Very Sorry.

Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko. At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm.

At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy. Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager , Shirley Kuan. Now, the rest is history. Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala.

To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz. Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat. Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo.

Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya, I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang. Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay.

Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis / @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News