Connect
To Top

Lolit Solis to Cristy Fermin: “Kung sa akin ka galit, sabihin mo, huwag idamay ang iba”

Entertainment columnist Lolit Solis appealed to fellow columnist Cristy Fermin to directly confront her if she any ill feelings for her.

Nanay Lolit made clear her position on Instagram where she posted the following:

“Alam mo ba Salve na gusto ko tanungin si Cristy Fermin kung galit siya sa akin. Kasi nga parang mga alaga ko ang gusto niyang laging ginagawang punching bag. Nuon una, si Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Baka may kasalanan din ako na paborito kong tinatawag na tomboyita at baklita mga alaga ko as term of endearment.

Iyon iba baka nga nilalagyan ng malisya. Pero dahil secure at confident naman sila kaya tinatawanan lang nila. Ngayon kung nilalagyan nila ng malisya, sila na ang krung krung at hindi ako. Basta ako walang galit kay Cristy Fermin, pero kung may galit siya sa akin wala na akong magagawa, kanyang opinyon iyon siya ang bahala.

Ayoko makialam sa anuman nasa isip at damdamin niya. Naawa lang ako sa mga alaga ko na nagiging punching bag dahil sa akin. Kung sa akin ka galit, sabihin mo, huwag idamay ang iba. Kawawa naman sila kung kasalanan ko tapos sila ang napaparusahan. Unfair naman di bah !”

Pangit iyon nasa isang mundo kayo tapos tago iyon nararamdaman mo, Salve. Mula’t sapul naging ugali ko na iclear kung anuman iyon feeling ko makabigat sa balikat ko. Gusto ko mahaharap ko lahat nang hindi kailangan maging plastic. Either gusto mo ako o ayaw mo, mas mabuti ang ganuon kesa naman plastikan kayo.

Kaya gusto ko klaro lahat sa amin ni Cristy Fermin. Kung galit siya sa akin, ako na lang tirahin niya huwag mga alaga ko. Gaya nuon panay ang tira niya kay Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Gusto ko klaro, mga alaga ko ba ang galit siya, o sa akin siya galit? At bakit ? May nagawa ba mga alaga ko, o ako na mali sa kanya ?

Sabihin niya para klaro. Para hindi iyon magtatanong ka pa. Gorgy sabihin mo Salve ha, para klaro ang lahat, hindi iyon may tanong pa BAKIT? Di bah”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News