Connect
To Top

Lolit Solis to Kyline Alcantara: “mag ingat ka dahil hindi kita uurungan”

Talent manager and columnist Lolit Solis warned Kylie Alcantara for allegedly dragging the name of actor and TV host Paolo Contis into her breakup with Mavy Legaspi.

According to Nanay Lolit, Kyline allegedly said that it is because of the influence of Paolo that Mavy decided to end his relationship with Kyline.

On Instagram, Nanay Lolit posted the following:

“Salve uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo ?

I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka. Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/ talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin.

In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa. For that I am very grateful. Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit.

I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan.

So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya. Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah”

(Photo source: Instagram – @mavylegaspi)

You must be logged in to post a comment Login

More in News