Connect
To Top

Lolit Solis: “When you apologize dapat walang explanation, just say SORRY”

Entertainment columnist Lolit Solis shared her views on how one should apologize. Lolis explained that if one should not offer any more explanation if he/she wants to apologize – just sa SORRY.

Nanay Lolit has been in the industry for year and have written articles about celebrities. Her opinion was met with mixed reactions – some agreed and some don’t.

On her Instagram account, this is what Nanay Lolit said:

“When you apologize dapat walang explanation, just say SORRY. Hindi puwede na meron ka pang idudugtong sa Sorry mo, Salve. Hindi iyon Sorry kasi ganito, ganyan. Basta SORRY, mali ako. Kaya hindi ako nagpapaliwanag sa mga comments sa IG ko pag may point out sila na mali ako.

Hindi ko magawang magalit kasi tama naman sila. Puwede ko na sabihin, iba ang gusto ko ibigay na meaning kaya ganuon ang ginamit ko na word, pero bakit kailangan pang i correct eh di ba kanya kanya naman tayo ng opinyon? Sa palagay ko, tama ako, sa palagay nila, sila ang tama, iyon lang, tapos na ang issue.

Sabi ko nga, basta wala lang bastusan, lahat ng comment tanggap ko, constructive para sa akin iyon, eye opener. So no problem. Natatawa nga ako, at talagang tanggap ko, na pag hindi ka talaga english speaking, sure marami kang magiging palpak sa mga preposition at verbs na gagamitin mo. Saka, pag hindi ka talaga fluent, pag pronounce mo ng words, sure magkakamali ka.

Salamat sa isang follower ko na nagsabi, di bale ng wrong english, huwag lang wrong ang desisyon, hah hah, thanks talaga. Kaya nga natutuwa ako pag may mga comments dahil marami din akong natututuhan, saka pagbigyan nyo na ang isang 74 years old na mas gusto iyon fall dahil malakas na bagsak, kesa pour na buhos lang, hah hah.

Pati kasi utak ko, sobra naughty, kaya iyon usage ng words naiiba. Basta comment lang kayo, enjoy ako at thankful. Imagine mo, 144K iyon nagpa follow sa akin, sobra akong happy talaga. Love you all.”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News