Connect
To Top

Mel Tiangco’s Halloween joke on Mike Enriquez goes viral: “Alisin mo na maskara mo”

Marami ang nagulat at natuwa na rin sa birong binitawan ni TV newscaster Mel Tiangco sa kanyang ka-partner na si Mike Enriquez sa kanilang daily news program na 24-Oras. Naganap ang nasabing biruan noong Halloween.

Pagkatapos ibigay ni Iya Villana-Arellano ang kanyang Chika-Minute News ay nagsuot ito ng Halloween mask habang nagpapasalamat sa mga manonood. Nalipat ang screen kina Mike at Mel na nasa split-screen kasama si Atom Araullo. Eto ang binitawang joke ni Mel para kay Mike:

“Alisin mo na maskara mo – ayy wala nga pala. Sorry ha”

Napatingin na lamang si Mike na halatang nakuha ang joke at hindi naman nagalit. Maririnig din sa paligid na nagtawanan ang staff ng nasabing news program.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @24oras)

You must be logged in to post a comment Login

More in News