Connect
To Top

Mikee Morada nasaktan sa mga sinasabi ng netizens kay Alex Gonzaga

Lipa Batangas Councilor Michael “Mikee” Morada and husband of TV host Alex Gonzaga shared how he felt after netizens bashed and criticized his wife for an event that happened during her advanced birthday celebration.

A video was posted online where Alex can be seen smearing some icing on the forehead of waiter Allan Crisostomo. Netizens felt that it was so disrespectful and ill-mannered by Alex for doing such to someone.

On Facebook, Mikee expressed her thoughts and sentiments, admitting that his wife made a mistake. Mikee also added that he was hurt when netizens even dragged past event about his wife into the picture.

Here is his full post:

“Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa. Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan. Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya.

Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito. Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan.

Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo.

Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat.

I love you!”

(Photo source: Facebook – @Mikee Morada)

You must be logged in to post a comment Login

More in News