Connect
To Top

Mimiyuuuh nagpaliwanag sa kanyang sinabing “Never date someone na walang pera”

Social media celebrity Mimiyuuuh clarified his “Never date someone na walang pera” statement. Some netizens agreed with the statement but there are some who did not and find the remark derogatory.

In a video posted online, Mimiyuuuh took time to explain his side of the story:

“Yun nga po, opo, nagkaroon ako ng interview with Cosmo kung saan nagbigay po ako ng advice, ganyan. And yes, I said what I said about huwag makipag-date sa mga taong walang pera.

Walang pera, hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyonaryo, mga bilyonaryo, mga naka-Porsche, hindi po ganon. Mag-date kayo ng someone na may drive. Mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ang sarili. Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. Yun lang po yon, period.

Nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi na matapobre daw po ako, na parang hindi daw po ako galing sa hirap. Galing po ako sa hirap, opo. Nakipag-date po ba ako noong wala akong pera? Hindi po.

Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, opo. At the same time, alam ko po kasi yung priority ko, during that time. Priority ko pong ayusin ang buhay ko. Priority ko po ang family ko, priority ko ang career ko, opo.

At priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko. Kasi nga po, ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao.

Opo, puwede niyo naman po talagang i-date kahit sinong gusto niyo. Opo. Pero kung ikaw na po mismo hindi niyo magawang sustentuhan yung sarili mo, yung mga basic needs and wants mo, magdadagdag ka pa ba ng another responsibility, ha?”

Kaya po, ang akin lang, complete yourself first. Make yourself whole tapos maghanap ka rin ng someone na whole kasi ayun yung deserve mo. We are not responsible to complete other people. Yung ipi-fill mo yung kakulangan ng ibang tao. At the same time, hindi po natin dapat binababaan yung standards natin.”

(Photo source: Instagram – @mimiyuuuh)

You must be logged in to post a comment Login

More in News