Connect
To Top

Mocha Uson to Toni Gonzaga: “Napaghahalataang wala po kayong alam…”

Margaux “Mocha” Uson criticized actress Toni Gonzaga on what the latter’s remark that presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. is due to “return home” to Malacañang Palace.

“Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kaniyang tahanan — ang Malacañang.” said Toni.

Uson on Tiktok issued the following statement:

“Gusto ko lang magkomento dito sa sinabi ni Ms. Toni Gonzaga. Alam mo, Ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo. Napaghahalataang wala po kayong alam sa public service. Si Pangulong Duterte nga po ay sinasabi niya na ang Malacañang ay kaniya lamang opisina, hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan.

At para sabihin mo na babalik na sa kaniyang tahanan sa Malacañang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit, at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.

Paalala lang po: Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po, ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi ni Pangulong Duterte.”

@mochausonofficial

Ang Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound – mochauson – mochauson

(Photo source: Instagram – @mochauson / @celestinegonzaga)

You must be logged in to post a comment Login

More in News