Connect
To Top

Mommy ni Sophia Corullo inalala ang mga huling sandali ng anak

Marami ang nalungkot nang mabalitaang pumanaw na ang child actress na si Sophia Corullo sa edad na 6 years old dahil sa dengue. Ayon sa kanyang mommy Angeli Corullo ay excited si Sophie na mapanood ang kanyang paglabas sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na kung saan nakasama niya sina Yen Santos at iba pa.

Sa isang article ng Pep.ph ay ibinahagi ni Mommy Angeli na nagkalagnat daw si Sophie noong August 13 at pinainom daw nila ito agad ng paracetamol. Nawala naman daw ang lagnat ni Sophie kinabukasan at naging sinat na lamang ito.

==========

Related Stories:

Child actress Sophia Corullo passes away at 6

==========

Gumaling na ng lubusan si Sophie nang mga sumunod na araw at nagpapabili pa daw ito ng pagkain at maganang-maganda kumain.

Pagdating daw ng Sabado August 17 ay naging matamlay daw si Sophie kaya naman dinala nila agad ito sa hospital at dinala ito sa ICU dahil mababa na daw ang platelets ni Sophie. Naka-swero na daw si Sophie nguni’t hinihintay daw ng bata ang episode ng MMK at gusto niyang mapanood ang sarili. Nag-request daw si Sophie na umuwi na nguni’t hindi ito pinayagan ng mga doktor.

Napakabilis ng mga pangyayari dahil August 18 (Sunday) ay namaalam na si Sophie ng mga bandang 2 ng hapon. Sa Martes August 27 ang cremation ni Sophie.

(Photo source:Facebook – @MMKOfficial/ @JAMSArtistPH)

You must be logged in to post a comment Login

More in News