Connect
To Top

Neri Miranda bumili muli ng bagong farm: “Mag invest tayo sa mga lupa”

Neri Miranda, wife of Chito Miranda showed netizens her new investment – a farm lot at the back of their Miranda’s Rest House. Neri said she have been planning to buy the said lot and she is thankful that her dream came true.

She adviced her followers to invest in lots as its value will continue to rise.

“Mag invest tayo sa mga lupa, habang tumatagal, tumataas ang presyo. Wag na masyado sa mga luho at kapag binenta mo, mababa na ang presyo. Maging WAIS na tayo sa ating pera, mag invest na tayo.” said Neri.

Here is her full post:

“View of Miranda’s Farm

Sa likod lang siya ng Miranda’s Rest House. Sabi ko talaga noon, sana mabili ko yung lupa sa likod at pag iipunan ko talaga. Sa awa ng Diyos, sinamahan ko pa ng sipag at tyaga, at may napakasupportive na asawa… eto na siya ngayon, pinapabakuran ko na.

Gusto ko ring bilhin sana mga katabing lupa para mas lumawak ang Miranda’s Farm. Dating gawi, todo ipon ulit! Hindi madali dahil di naman mamiso ang presyo ng lupa pero kapag determinado ka at naka focus sa goal mo, if it’s God’s will, matutupad yan.

Sa lahat ng mga katulad kong Wais at madiskarte sa buhay, mag ipon at mag invest sa mga properties para sa mga anak natin. Kahit anong edad ka pa, pwedeng pwede kang magsimula ulit. Ako? 31 years old na ako natutong humawak ng pera at nagsimulang mag ipon at natuto na ring magnegosyo at mag invest.

Mag invest tayo sa mga lupa, habang tumatagal, tumataas ang presyo. Wag na masyado sa mga luho at kapag binenta mo, mababa na ang presyo. Maging WAIS na tayo sa ating pera, mag invest na tayo. Papasalamatan nyo ang mga sarili ninyo sa future.”

(Photo source: Instagram – @mrsnerimiranda)

You must be logged in to post a comment Login

More in News