Connect
To Top

Netizen to Neri Miranda: “Ikaw na po bumubuhay kay Chito?”

Actress Neri Miranda shared to her fans and followers that she and her husband Chito Miranda have decided to leave at their farm, away from the busy life of the city.

Neri again encouraged everyone to work hard and to pursue their dreams.

Neri on her Instagram posted the following message:

“We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko. Mag aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami. Hindi ko alam kung kaya pang mag alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon 😅

Dito rin titira nanay ko, lagyan namin sya ng room nya na diretso na sa garden. Mas hahaba ang buhay ng nanay ko kapag nagtatanim at napapaligiran ng halaman. At least pwede syang mag ikot ikot sa farm na di kami matatakot kung mahahawa ba sya ng virus. Maglalagay din kami ng isa pang room para sa in laws ko naman kapag magbakasyon sila. Maganda rin na lalaki si Miggy na napapaligiran ng mga lola at lolo.

Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya.

Thankful ako sa lahat ng Team Wais members, distributors, resellers, Team Wais Production Staff, Team Wais Admin, my TMI family, sa lahat ng brands at companies na naniniwala sa akin hanggang ngayon, sa lahaaaat ng bumibili ng mga tinitinda namin. Thaaaaaaaaank you! Tinutupad nyo po ang mga pangarap namin, kaming mga tindera po na patuloy na nangangarap at kumakayod para sa pamilya.”

One netizen posted the following comments: “Ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo.”

To which Neri replied:

“may kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay. Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan.

May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera.” said Neri.

(Photo source: Instagram – @mrsnerimiranda)

You must be logged in to post a comment Login

More in News