Connect
To Top

Netizens express concern over Lolit Solis’ health condition

Netizens expressed their concern over the health condition of entertainment columnist Lolit Solis. Nanay Lolit posted a photo of her in red and netizens noticed her losing weight.

In an Instagram post, Nanay Lolit narrated her health journey and thanked God for being good to her:

“Alam mo ba Salve ang taas ng tolerance ko sa pain? Kung minsan kahit nasa presscon tayo o nag-uusap usap meron ako nararamdaman pero natitiis ko? Mahahalata mo lang masama ang katawan ko sa timbre ng boses ko, dahil iyon pitch pala o sounds kung minsan naiiba pag may nararamdaman ka.

Kung minsan, naloloka ako dahil parang ang seryoso na ng feeling ko, but after a while, ok na siya. Nuon una ako napunta sa hospital, sinabi ko kay Gorgy na nahihilo at nasusuka ako. Kaya nasa isang tabi lang ako, natapos ang presscon, kinabukasan, nag check in na ako sa hospital.

Imagine mo ha, grabe na pala kidney infection ko nuon at akala ng doktor mada-dialysis ako, pero luckily nakuha sa gamot. There was one time naman, nasa shower ako bigla parang may nag snap inside my head, at whamm totally deaf ako. Hindi ko narinig lagaslas ng tubig, at ng lumabas ako ng banyo nakita ko mga aso ko na bukas ang mga bibig at tumatahol siguro , pero waley ako marinig.

Ang hirap pala maging bingi, para kang naka shot off sa paligid. Umupo ako, and after 5 minutes parang meron na naman pumitik sa loob ng ulo ko, at voila, nakakarinig na ako. Masama ko pa naman ugali na pag wala na akong nararamdaman, hindi ko na gusto pumunta sa doktor. So ganuon lang, wala lang.

Nasa Germany ako ng mawalan ng malay dahil sobra baba ng sugar ko at parang hinang hina ako. Mukha talaga ako in pain kaya alam mo na medyo delikado ang nangyari. But nakauwi ako ng Pilipinas, balik sa normal ang pakiramdam ko, so hindi na ako pumasok hospital. Medyo namayat lang ng konti at mukhang mahina, pero over all, ok na ako. All sorts of pain naramdaman ko, pero hindi ako nagpanic.

In silence ako nag suffer, kaya siguro palagay ang loob ng mga kasama ko. Inside me, may takot din ako, dahil hindi ko nga alam why nangyayari iyon sa katawan ko, sa pakiramdam ko, but for sure para din lakas ng loob ko na nalalagpasan ko siya ng madalas. I trust na kung talagang seryoso, magkakaruon ako ng premonitions, may iba akong mararamdaman.”

“Sure ako, makikita din ng doktor kung sakali iyon internal deterioration ng katawan ko dahil madalas ako magpa lab-test. I will definetly feel pag hindi ko na kaya, pero thankful talaga ako sa taas ng tolerance sa pain na binigay sa akin ni God. That alone help me a lot. Thank you talaga my dear God. God is really good, all the time. Amen.”

Netizens wished Nanay Lolit good health and advised her to take it slow and avoid stress.

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News