Marami ang humanga sa pananaw ni Marian Rivera-Dantes pagdating sa breastfeeding. Ibinahagi ni Marian ang kanyang paniniwala sa mabuting idinudulot ng breastfeeding sa kalusugan ng mga bata.
Tinawag niya ang kanyang sarili bilang isang “padedemom” at patuloy niyang ipaglalaban ang breastfeeding.
Sa kanyang post ay ito ang kanyang sinabi:
==========
Related Stories:
Marian Rivera marks baby Ziggy’s 4th month with a ‘gwapito’ photo
Marian Rivera celebrates 35th birthday
Marian Rivera on Dingdong Dantes: “Ang aking Big Boss sa totoong buhay!”
==========
“Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months.
Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan.
Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom”
(Photo source: Instagram – @marianrivera)
You must be logged in to post a comment Login