Ogie Diaz clears up Liza Soberano’s pregnancy issue

Ogie Diaz clears up Liza Soberano’s pregnancy issue

Nilinaw ni Ogie Diaz ang umiikot na balita na buntis si Liza Soberano. Nagsimula ang usap-usapang ito nang tumungo si Liza sa Amerika para ipaopera ang kanyang daliri dahil sa isang aksidente sa kanyang ginagawang teleserye noon.

Dahil malilikot ang isapan ng ilan ay inisip nilang kaya pumunta sa Amerika si Liza ay dahil sa buntis ito.

==========

Related Stories:

Liza Soberano apologizes after receiving backlash over ‘black face’ photo

Ogie Diaz assures fans of Liza Soberano’s safety after receiving threats at ABS-CBN Ball

Ogie Diaz thanks Liza Soberano as he starts building his new home: “Ang lahat ng ito, dahil sa kanya”

==========

“Kaya ho siya pumunta doon, yung kanyang daliri, dun talaga inoperahan. So pinakita naman namin yung mga proweba na kahit hindi mo kailangan mag-explain di ba?” panimula ni Ogie. “Pero pinakita pa rin namin para lang yung mga gumagawa ng intriga na siya ay nabuntis or pag hindi naman nagpa-buntis, nagpa-ganon,” dagdag ni Ogie.

Sinabi din ni Ogie na handa niyang itaya ang kanyang kredibilidad na hindi talaga nagbuntis si Liza.

“Di dahil ako yung manager niya pero dahil alam ko kung ano yung totoo dahil si Liza, nakakatuwang alaga dahil lahat halos kinekwento niya sa akin. Kahit yung mga super mega personal kinukwento niya sa akin kaya nakakatuwa yung bata,” sabi ni Ogie.

Narito ang kanyang video interview:

(Photo source: Instagram – @lizasoberano)


Share This Post