Connect
To Top

Ogie Diaz: “Nanghihinayang ako sa career ni Liza”

Talent manager and vlogger Ogie Diaz expressed his frustrations over the career of his former talent Liza Soberano who decided to stay in the US for the meantime and try her luck there.

In an episode of ‘Showbiz Update’ with Mama Loi and Tita Jegs, Ogie shared his thoughts about the recent career choice of Liza.

“Nanghihinayang ako sa career ni Liza, wa echos kasi nandoon na siya. Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya. Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon.” started Ogie.

“Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager. Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat yun kung nasaan siya nandoon,” said Ogie.

“Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbakasakaling makilala siya,” Ogie added.

“Pero siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila.” Ogie said.

(Photo source: Instagram – @ogie_diaz)

You must be logged in to post a comment Login

More in News