Connect
To Top

Ogie Diaz pinayuhan si Heaven Peralejo sa kanyang pagpapa-seksi sa IG

Talent manager and entertainment host Ogie Diaz expressed his honest thoughts and opinions over the sexy photos of actress Heaven Peralejo that she has been posting on her Instagram account.

In his online show “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube page, Ogie, Mama Loi and Tita Jegs, one of the celebrities that they talked about is Heaven. During the said program, they talked about the photos that Heaven has been posting recently on her Instagram account where she was flaunting her stunning body figure as she was seen wearing swimsuits.

“Oo, nagpapa-sexy na din si Heaven. Nakikita na din sa kanyang mga Instagram posts. Talagang super skimpy, super bikini… nakakaloka diba.” Ogie said.

“Diba te naging manager ka niya? Okay ba sayo na nag gaganyan siya yung nag po-post siya ng sexy?” Tita Jegs asked Ogie.

“Well una sa lahat, kumportable si Heaven sa outfit na ganyan. Siguro gusto niyang ipagmalaki yung kanyang katawan… kaya lang bilang manager, kung nasaakin pa si Heaven sasabihin ko sakanya, ‘wag ka anak magpa sexy ng magpa sexy sa IG. Kasi mawawala yung mystery mo.’ Oo, kailangan may mystery ka parin. Kailangan medyo craving for more Heaven Peralejo ang mga tao.” Ogie said.

“E kapag ganyan, lahat binihadad mo na… parang hindi na maano yung mga tao, wala na hindi na sila masasabik sayo… saakin lang bilang manager, mas maganda kung magtu-two piece ka duon sa kikita ka ng malaki. Career wise ha, kasi kumbaga minsan lang ako gagawa ng ganito kailangan model ako ng two piece, kung ano mang under garment yun, diba dun lang ako bobongga.”

“O kaya cover ako ng isang sikat at sosyal na magazine… hindi yung basta sa Instagram lang, ‘ah nakita na namin yan’… As a manager lang naman yun, pero kung kumportable si Heaven i-flaunt ang kanyang magandang katawan, e okay lang din naman… kaya lang nga, yung mystery yung nawawala…” Ogie added.

(Photo source: Instagram – @heavenperalejo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News