Connect
To Top

Ogie Diaz reacts to netizen’s question “anong nagawa mo para sa mga OFWs?”

Ogie Diaz reacted to netizen’s question “anong nagawa ko para sa mga OFWs?

This is what he answered on a very lengthy post she shared on her Facebook account. Ogie is noted as someone who is frank about his words. This is in line with her Facebook post about an Australian nun expelled in the country.

==========

Related Stories:

==========

This is what Ogie said, “Sa mga kumukwestiyon kung “Ano ba naitulong mo sa mga OFWs, Ogie?”

Una po, hindi po ako government official, si Mocha Uson po ang owwa official, siya din po ang may budget para sa ofws natin.

Dalawang kapatid ko, dalawang bayaw ko at isang pamangkin ko, mga ofws din, kaya dama ko po kayo.

Pero sa mga ume-emote na ofws against my opinion about their idol Mocha, gusto ko lang malaman at ng iba niyang kababayan yung specific and detailed achievements niya bilang 155k ang monthly sweldo niya, baka pwede naming malaman?

Since 2006 pa ho ako involved sa Philippine Foundation for Breast Care, Inc bilang one of the board of trustees.

Nanghoholdap ako ng mga kaibigan sa industriya (lalo na sa mga artista ng ABS-CBN na pinapangarap ng iba na maipasara) para matulungan ang may 400 plus cancer patients namin.

At dun sa mga OA na OFWs na kinukwestiyon ako, malay nyo (pero wag naman), magkakanser kayo sa suso, di naman maibibigay ni Mocha sa inyo ang mga suso niya, andiyan po ang foundation na “naghihingalo” man kami sa pangangalap ng funds ay kahit paano, matulungan namin kayo.

Kung wala pa kayong cancer, mainam. Thank you, Lord. Pero sa mga OFWs, baka isa sa mga kaanak nyo, nasuportahan naman ng aming maliit na foundation, kaya wag OA yung iba.

Ipagdasal nyong wag tumiklop ang foundation namin na umaasa lang sa tulong at suporta ng mga may mabubuting puso.

Kaya nag-create ako ng youtube channel para may mahugutan ako ng pondo para sa foundation na pinatatakbo ng mga magigiting na staff kahit walang sweldo.

March 1 — may event uli kami sa Foundation. Thank you sa mga walang sawang sumusuporta sa mga breast cancer patients na itinataguyod ng aming foundation.”

Better said, he is not afraid to fight back against accusations. Ogie is a host, actor, broadcaster and talent manager of the Stars.

(Photo source: Facebook – ogie.diaz.5 / Instagram – @ogie_diaz)

You must be logged in to post a comment Login

More in News