“‘Alam mo, nak… nu’ng nawalan ako ng show sa ABS-CBN nu’ng year 2000, wala akong choice, kundi humanap na muna ng ibang work, dahil ako ang breadwinner sa amin, eh.
“‘Pumasok akong stand-up comedian sa comedy bar. Ang bayad sa akin noon, P2,500 to P3,000 sa bawat gabi na sasampa ako. Pero kahit hindi ako masyadong nakakatawa, merong isang customer doon na konting tsika ko lang sa stage, siya yung tumataginting ‘yung halakhak. Bawat gabing magpe-perform ako, andu’n lagi siya, siya ‘yung tawa nang tawa kahit hindi naman natatawa ‘yung iba sa akin. Alam mo ba, ngayon? Lima na ang anak namin.”
“Nagulat si Liza. Hindi makapaniwala.
“‘Sa palagay mo, anak, kung hindi ako nawalan ng show noon sa ABS, mami-meet ko siya? Hindi. Kasi kung may show ako noon, baka hindi rin ako pumasok bilang stand-up comedian.
“‘Ibig kong sabihin, pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo. At maniwala ka, marami pang darating na opportunity sa ‘yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord.'”
(Photo source: Facebook – @ogie.diaz.5/ Instagram – @lizqueninternationalsquad)
You must be logged in to post a comment Login