Connect
To Top

Ogie Diaz shares about his emotional meeting with Liza Soberano before she backed out from “Darna”

“Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialista na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hanggang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat.

“Isang araw, tumawag sa akin si Liza. Mag-meeting daw kami. Ayaw niyang sabihin kumbakit. Kaya kinita ko na lang siya. At doon ay ipinakita muna niya ang kanyang daliri na halos kalahating taon yatang therapy at surgery ang pinagdaanan.

“Umiiyak siya. Sabi ko, baket? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang daliri.

“‘Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin ‘yung ‘Darna’? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang Darna. Paano na ‘yung family ko?’

“Sabi ko talaga kay Liza, ‘Naisip mo pa talaga ‘yan, nak? At least, nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at ‘yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda ‘yang ganyang attitude mo.

“‘Pero sa totoo lang, if you don’t feel like doing Darna anymore, it’s okay with me. Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na maging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas maganda ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let’s set a meeting with the bosses.

“‘Alam mo, nak…lagi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du’n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or ‘yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan.’

“Tulo pa rin nang tulo ang luha ni Liza.

CONTINUE READING…

Pages: 1 2 3

You must be logged in to post a comment Login

More in News