Connect
To Top

Ogie Diaz: “Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha?”

Talent manager and vlogger Ogie Diaz clarified certain issue regarding him receiving PhP 50k. Although Ogie did not mention any names, netizens were quick to say that the post was is obviously pertaining to TV host Willie Revillame.

Ogie did admit that he received the P50K check as mentioned by Willie but he accepted it in front of a lot of people and later on decided to give it to a Foundation.

Here is the full post of Ogie Diaz:

“Kayo ang may utang na loob sa akin!”

Sabeeee???!!!!

Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya. Nabunutan na siya ng tinik. ‘Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.

In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa. At nakaginhawa sa kanyang mental health.

Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? ‘Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n’yo against you pag nangyari ‘yon.

At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n’yong masumbatan balang-araw.

Oh, by the way. ‘Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.

Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.

Thank you, ha? Malaking tulong ‘yon.

Ha? Ako? Kung may isusumbat sa kanya?

Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat. Pag ginawa mo nang kusang loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo ‘yon as time goes by. Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.

Alangan namang isa-isahin ko sa kanya ang pagtatanggol ko sa kanya noon eh ginawa ko naman yon nang kusang loob at deserve naman niyang maipagtanggol.

‘Yun ba, tatapatan ko pa ba ‘yon ng presyo? Hindi na.

Kulang ang 50k. Baka abutin ‘yon ng 51k.”

(Photo source: Instagram – @ogie_diaz)

You must be logged in to post a comment Login

More in News