Connect
To Top

Paolo Contis: “Masakit po sa amin kapag tinatawag kaming Fake Bulaga”

TV host Paolo Contis addressed the critics of TAPE Inc.s noontime show “Eat Bulaga,” especially to those who are calling the program ‘Fake Bulaga.”

The program celebrated its 44th anniversary without it’s original host – Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon.

Before the end of the program, Paolo emotionally delivered the following message:

“Mahabang panahon, kasama na natin ang Eat Bulaga. Opo. Bago po kami, naintindihan po namin yun.

Pero kami mismo, naging bahagi po kami ng Eat Bulaga, dahil kahit nu’ng bata pa ako, naging parte ako ng Eat Bulaga. Nanonood ako ng Eat Bulaga. lahat tayo.

Ngayon, ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga!? Ang tanong, sino ang may-ari? Ang sagot, lahat po tayo. Kasi sa 44 years, lahat po tayo ay naging bahagi nito.

Hindi po maiiwasan na may mga nagsasabi na wala naman po kaming ambag, dahil bago lang naman po kami dito. Pero ang mahalaga ay lahat po ay ginagawa namin, para ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at tulong sa inyo.

Hindi na po kami mahalaga. Maaari pong dumating ang araw, hindi na rin kami ang nandito, pero basta ang mahalaga ay ipagpatuloy namin ang matagal nang hangarin ng Eat Bulaga, ang magbigay ng tulong at saya.

Yun lang naman po ang gusto namin. Hindi po yun mababago. Mahalaga rin po sa akin na sabihin na ang ginagawa po namin ay totoo.

Marami pong nagsasabi na kami ay fake. Marami ang nagsasabing kami ay ‘Fake Bulaga!’ Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff.

Walang peke sa pagmamahal ko sa crew. Walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong ito.

Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag niyo kaming ‘Fake Bulaga,’ dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po.

Uulitin ko po. Lahat po ng tawanan, lahat po ng luha na sini-share namin sa inyo, lahat po ng tulong, totoo po lahat yan, galing sa puso. Wala pong fake diyan.

Para po sa amin, mahigit pa po sa 1-4-3 ang Eat Bulaga dahil para sa amin ang Eat Bulaga! ay ‘All 4 U.'”

(Photo source: Instagram – @sparklegmamartistcenter)

You must be logged in to post a comment Login

More in News