Connect
To Top

Paolo Contis panonoorin pa din daw kahit palitan pa ang ‘Eat Bulaga’ title

Entertainment columnist Lolit Solis felt that even if TAPE Inc. noontime show ‘Eat Bulaga’ will have it name changed, people will still watch it.

According to Nanay Lolit, both TVJ and the group of Paolo Contis have already established their own followings.

“Ang sarap ng feeling na buhay na buhay na naman ang showbiz na for a while parang natahimik. Hangga ngayon heto pa ang agawan sa title ng Eat Bulaga.

A rose by any other name is still a rose. Siguro kahit ano pa title ang ilagay mo, basta nakita mo sila Tito, Vic and Joey, Eat Bulaga parin maiisip mo. Kaya kahit sino pa gumamit, silang 3 parin ang orig, kaya no problem kung sakaling baguhin nila Paolo Contis ang name ng noontime show nila.

Nakakatuwa nga na meron narin malakas na following iyon show nila Paolo kaya kahit bigyan mo na ito ng iba pang pangalan tiyak na may viewers narin sila.

Sana nga huwag ng humaba pa ang issue dahil healthy naman para sa viewers na 3 na ang show na puwede nila mapanuod pag tanghali. Makikita mo na ngayon kung sino talaga ang magiging matatag sa labanan.

Kaya naman ang mga commercials hindi alam kung saan ilalagay ang kanilang ads dahil 3 na ang pagpipilian nila. Bongga talaga ang tanghali na hindi ka puwede matulog dahil nga type mo manuod ng show. Bongga”

(Photo source: Instagram – @paolo_contis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News