Connect
To Top

Raffy Tulfo invites Barretto sisters to his TV program; asks them to reconcile for mom’s sake

Inimbitahan ni Raffy Tulfo ang magkakapatid na sina Gretche, Marjorie, at Claudine Barretto upang mag-guest sa kanyang sikat na programang “Raffy Tulfo in Action.” Kilala ang programa ni Raffy na tumutulong sa mga naaapi at tagapag-ayos ng mga problema – professional o personal man.

Sinabi ni Raffy na maaring mag-guest ang magkakapatid at maglabasan sila ng kani-kanilang sama ng loob sa isat-isa, nguni’t ang pakiusap ni Raffy ay magkasundo ang magkakapatid pagkatapos ng programa alang-alang sa kanilang ina na si Inday Barretto at dahil na rin sa nalalapit na Pasko.

Narito ang ginawang imbitasyon ni Raffy:

(Photo source: Youtube Screengrab – @Raffy Tulfo in Action)

You must be logged in to post a comment Login

More in News