Relasyong Vicki-Hayden, John Lloyd-Ellen hindi daw magtatagal

Relasyong Vicki-Hayden, John Lloyd-Ellen hindi daw magtatagal

Isang bold prediction ang ibinigay ni celebrity psychic Nick Nangit na hindi daw magtatagal ang relasyon nina Vicki Belo / Hayden Kho at ang relasyon nila Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Inilathala ng Pep.ph ang mga hula ni Nick ngayong 2018 tungkol kina Vicki at Hayden.

==========

Related Stories:

INSTA PIC: Ang handa nina Vicki Belo and Hayden Kho sa kanilang reception dinner

WATCH: Ellen Adarna and John Lloyd Cruz bond with a baby

Alden Richards pinagkaguluhan sa kasal nina Hayden at Vicki sa Paris

==========

“Kasi, it’s actually Dra. Vicki Belo who’s carrying the relationship. And Hayden kasi is… is ano, e… ahh… Di ko masabi kung… May affection naman siya. OK… Gusto naman niya talaga si Dr. Vicki Belo. Ahhmm… pero ang nagdadala talaga sa relationship nila is Vicki Belo, e. And Hayden is there, supportive of Vicki Belo’s plans. And Vicki Belo naman is supportive also of Dr. Hayden. Kaya lang, medyo si Hayden kasi, restricted na, e, sa lahat ng mga actions niya.” sabi ni Nick.

Samantala ito naman ang nababasa ni Nick sa relasyong John Lloyd at Ellen:

“Si John Lloyd kasi is torn, kung babalik siya o hindi sa showbiz. Kasi, he wants to settle down, e. Gusto na niyang magkaroon ng family. Kaya lang, parang… magulo pa kasi, e. May vice siya… may mga vice siya sa katawan. So, ready na ba siya? Parang nag-iisip pa siya kung handa na ba siyang talikuran ang showbiz o hindi? Si Ellen naman, ahh… gusto talaga niyang magkaroon ng anak, e. At sana lang, yung nangyari sa kanila ni John Lloyd e, magtuluy-tuloy.”

(Photo source: Instagram – @dochayden)


Share This Post