Connect
To Top

Robber breaks into Ai-Ai Delas Alas’ home

Laking pasasalamat ni Ai-Ai delas Alas dahil walang nangyari sa kanila ng kanyang asawang si Gerald Sibayan. Ayon kay Ai-Ai ay pinasok ang kanilang bahay at ninakawan sila. Ang ikinabahala ni Ai-Ai ay nakapasok ang magnanakaw sa kwarto nila at nakuha ang bag nya.

Mabuti na lamang daw at walang nangyari sa kanila ni Gerald at hindi sila sinaktan o nasaktan.

Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Ai-Ai ng isang “Feeling Thankful” message na may kasamang caption na:

“Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayun araw na ito .. kagabi na nakawan kami maliit lang pero ang stressful nakapasok sya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko ..

tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil mag babayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house .. and nakita ko nalang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong kotse na tagong tago ..

ipinagpapasalamat ko din na walang nasaktan samen ni gerald. Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. magingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN ..”

(Photo source: Instagram – @msaiaidelasalas)

You must be logged in to post a comment Login

More in News