Connect
To Top

Robin Padilla defends wife Mariel Padilla from body shaming critics

Actor Robin Padilla slammed critics over her wife, TV host Mariel Padilla gaining weight.

In his Instagram account, Robin defended his wife Mariel over body shaming issues. He clarified that Mariel intended to gain weight in order for her to breastfeed their child, Maria Gabriela. Robin shared that even Mariel didn’t want to gain weight but she does not have any choice because she needed to provide milk for the sake of their baby’s health.

==========

Related Stories:

==========

Here is Robin’s post:

“Ang bawat yapak ng isang ina ay sakripisyo at pagmamahal sa kanyang Anak katulad din ng kanyang bawat talon ay puno ng pag ibig at pagmamalasakit sa kanyang asawa.

Nakilala ko ang dalagang mariel na mahal na mahal ang kanyang sarili, nakapaikot ang mundo sa kanyang kaseksihan, kagandahan, gamit at kabangohan. Ang lahat ng bagay ay patungkol sa kanya.

May mga pumupuna sa kanyang kalusugan ngayon, ang iba ay nagiging labis pa ang mga hirit para itoy makasakit.

Ang asawa ko ay dumaraan sa napakatinding estado ng kanyang buhay. Kanyang iniwan ang pagmamahal sa sarili para sa pagmamahal sa kanyang mga anak. Wala naman sigurong babae ang nangarap o sinadyang sila ay lumusog lalong lalo na sa isang katulad ni mariel.

Iba iba ang reaction ng katawan ng mga babae sa pagkakaroon ng anak, may mga pinagpala na maraming gatas meron din naman mga walang gatas. Si mariel ay nasa kategorya ng wala talagang gatas. Lahat ng konsultasyon ginawa niya sa mga experto para natural na dumaloy ang gatas sa kanya ngunit lahat ay may kalungkutan.

Hindi lumusog ang cooking inang si mariel dahil nais lang niya magpakalunod sa pagkain. Ang tanging paraan lamang na magkaroon siya ng gatas na ipapa breast feed kay maria gabriela ay kumain siya ng madalas at marami! kasama na ang paglimas ng lactation cookies,pag inom ng mainit na chokolate, malunggay, at vitamins.

Loaded to the max para may gatas sa bawat feeding session ni maria gabriela.

Kahit si mariel hindi niya gusto ang maging malusog pero wala siyang magagawa kailangan niya ibigay sa mga anak niya ang tamang gatas para silay natural na maging malusog at malakas.

Ang mga katulad ni mariel na may pinagdadaanan para sa kabutihan ng kanyang anak ay dapat na sinusupotahan ng magagandang salita hindi yun kukutyain pa at gagawing katatawanan. Lahat tayo ay may ina at ang istorya ni mariel araw araw gabi gabi ay kwento ng isang ina hindi ng isang artista o host. She is a fighter and a crusader an inspiration to all that is dreaming of having a child.

Giving birth to a child is giving life and every mothers love is a mirror of The Love of the Almighty God for us.”

(Photo source: Instagram – @robinhoodpadilla / Youtube – @Mariel Padilla)

FEATURED VIDEO:

You must be logged in to post a comment Login

More in News