Connect
To Top

Shantal Cuizon apologizes to Louie Ocampo for her controversial tweet

Humingi ng sorry ang “Tawag Ng Tanghalan” contestant na si Shantal Cuizon sa kanyang pag-tweet ng hindi maganda patungkol kay multi-awarded composer Louie Ocampo. Nag-tweet si Shantal ng “Hustisya” at “Composer ka lang” sa kanyang Twitter account na agad naman nag-viral.

Sa kanyang muling pagbalik sa “It’s Showtime” ay buong pagpapakumbabang humingi ng sorry si Shantal at sinabing nadala lamang siya ng kanyang emosyon at gusto nyang humingi ng tawad kay Mr. Louie Ocampo sa kanyang mga nasabi.

==========

Related Stories:

Vice Ganda offended by Shantal Cuizon’s “Composer ka lang’ tweet to Louie Ocampo

==========

Nilinaw din ni Vice Ganda at Anne Curtis na mas maganda sana kung sinabi na lamang niya ng diretsahan kay Louie ang kanyang saloobin kaysa dinaaan pa sa social media. Payo ni Vice na huwag na sana tayong dumagdag pa sa daming mga umiiral na ‘hate’ sa mundo.

Narito ang video ng kanyang paghingi ng sorry:

(Photo source: Youtube screengrab – @ABS-CBN Entertainment)

You must be logged in to post a comment Login

More in News