Connect
To Top

Sharon Cuneta on ABS-CBN franchise denial: “Parang sinunog ang bahay namin”

“(Part 2:) pagkakataon, sana nakausap namin ang mga Boss at kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga Kuya naming alam namin kung gaano kahirap ang mga naging trabaho. Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali. Si Sir Carlo Katigbak hindi pa gaanong katagal naming Chairman, pero napamahal sa amin dahil napakabuti at mapagkumbaba talagang tao. At magaling. He ran a very tight ship while he ran our station. And I am so proud to have been able to serve under him. Respeto lang ang ipinakita niya sa akin. Sana nagkaroon pa siya ng maraming taon na pagandahin pa ang pagpapatakbo ng ABS-CBN. I told him in the beginning of the hearings that I WAS NOT GOING TO LEAVE MY CAPTAIN DURING THESE MOST TROUBLED TIMES. And I stayed loyal ‘til the end. Ngayon lang ako nagpost tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko, iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga kapamilya ko. Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito. Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking SAKIT na lang. Chaka po sobrang nakakapit ako talaga sa Diyos. Kaya okay ako, kahit na sabi nga ni Lupe, “gutay-gutay na” ang puso ko. Pagod na po ako. Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. Di na ako nagpapaapekto sa negatibo. Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas.❤️❤️❤️🙏🏼🙏🏼🙏🏼”

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News