Connect
To Top

Sharon Cuneta on Frankie Pangilinan’s being firm: “Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban”

Singer actress Sharon Cuneta expressed how proud she is with her daughter Frankie Pangilinan for speaking out on what she believes in. Sharon reitrated where Frankie is coming from in relation to her stand on the relation of a woman’s outfit to sexual offenders committing their crimes.

Sharon shared Frankie’s views that sexual offenders should be dealt with for their actions and not on how and what woman are wearing.

==========

Related Stories:

==========

“Ako naman alam ko na feeling ng Daddy at Mommy ko nung sumikat na ako bilang singer na nag-uumpisa pa lang…ganon man kasimple, mas proud ako na naging anak kita, dahil sa puso at pagkatao mo. Sa respeto at pagmamahal na binibigay mo sa amin ng Daddy mo. Sana anak hanggang mamamatay na lang kami huwag ka magbabago sa amin. Ikamamatay ko pag nag-iba ang ugali mo o lumaki ang ulo mo o maging plastik ka.

Jusko ipagdarasal ko na makahanap ka ng asawang mamahalin at aalagaan ka. At please bigyan mo kami ng madaming apo. Okay na sakin anak kahit mag-asawa ka na bukas. Kaya lang wala ka palang boyfriend ngayon. I am so very proud of you. Oo hindi namin ine-encourage ang mga anak namin na magbihis ng malaswa ever since at strikto din po kaming mga magulang na di nagkukulang sa paalala.

Ang sinasabi lang ng anak ko ay hindi dapat ibinibintang sa kasuotan ng sinumang babae ang pangaabuso o panggagahasa sa kanya. Kahit balot na balot sa winter clothes ang babae sa ibang bansa, nagagahasa pa rin. At di naman tumataas ang statistics ng rape cases pag summer lang at mas konti ang nakabalot na suot ng mga babae kundi all-year round halos pantay lang kahit sa lugar na may four seasons lang nakatira.

Yun lang. Di po tanga o boba ang kahit sinong anak namin. Lahat sila mula kay KC, Miel at Miguel ay palaban basta nasa katwiran. Basahin niyo po sa Twitter ang mga storya ng mga nabiktima na may hashtag na #hijaako nang maunawaan at maramdaman niyo po ang sakit na dinaanan nila – kahit nakabihis ng maayos at balot na balot. Wala pong nais na awayin si Kakie. Pero ipaglalaban niya ang mga babaeng binabaligtad pa kahit sila na ang nabiktima at nagdurusa. Anak po yan ni Kiko. Pero tandaan niyo – ANAK KO RIN SIYA.

Malakas ang lahing Katipunera (mga Lola ko) at Guerilla (Tatay ko) ang nasa dugo namin. Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban. I am proud that Kakie is my daughter. What a shame if she weren’t a warrior like her dad and mother are, and her lolo and great-great grandmothers were! Siya ay aking anak. Ella es mija.”

(Photo source: Instagram – @reallysharoncuneta)

You must be logged in to post a comment Login

More in News