Connect
To Top

Vice Ganda and Ion Perez answer the question: “Sino ang mas higit ang pagmamahal?”

Actor and TV host Vice Ganda together with partner Ion Perez played a game called ” Who’s Who?” where they will be asked some questions and they will reveal who among them is a better in the said situation.

One of the questions asked was “Sino ang mas higit ang pagmamahal sa kanilang dalawa>”

“Parang hindi naman nasusukat yun. Parang hindi ko pwedeng ikumpara kung mas malalim yung pagmamahal ko, duon sa lalim ng pagmamahal niya.

Parang hindi ko din masasabing mas mahal ko siya sa mahal niya ako, o sa mas mahal niya ako sa mas mahal ko siya… Kasi siya naman nakikita ko naman binibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Ako din naman binibigay ko kung anong kaya kong ibigay.” Vice said.

“Natatanggap ko naman yung deserve ko. Siya din naman I’m trying to give him what he deserves. Hindi yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi. Pero kung gaano kalalim, kung gaano ka niya kamahal, parang hindi yun masusukat. Tsaka parang hindi na mahalaga saakin din kung sino ang mas lamang.

Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal. Ang mahalaga yung minamahal ko, mahal ako at yung mahal ako, minamahal ko din…” Vice added.

Ion also expressed his love to Vice as he said, “basta ako, binibigay ko lang yung, ito yung buong pagka-tao ko. Ginagawa ko lang yung dapat. Ginagawa ko lang yung alam kong mapapasaya kita, mapapaligaya kita.

Yung buong puso ko na ginagawa ko lahat. Basta hindi ko ma-explain eh. Basta mahal ko siya, that’s it.”

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News