Connect
To Top

Vice Ganda challenges Pastor Quiboloy to stop “Ang Probinsyano”

Pabirong hinamon ni Vice Ganda si Pastor Apollo C. Quiboloy na pahituin ang teleseryeng “Ang Probinsyano” pagkatapos sabihin ng Pastor na siya ang nagpahinto ng lindol na naganap sa Mindanao. Sa programang “It’s Showtime” ay sinabi ni Vice na ang dapat katakutan ni Kardo (papel na ginagampanan ni Coco Martin) ay si Pastor Quiboloy.

“Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol,” panimula ni Vice. “Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo yan. So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala.” dagdag pa ni Vice.

Sa kanyang programang “”Give Us This Day” ay sinabi ni Pastor Quiboloy na siya ang nagpahinto ng lindol sa Mindanao.

Narito ang video:

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin / @pastoracq)

You must be logged in to post a comment Login

More in News