Connect
To Top

Vice Ganda confirms relationship with Ion Perez

The ‘Unkaboggable’ Star Vice Ganda ay umamin na sa tunay na istado ng kanilang relasyon ni “Kuya Escort” Ion Perez. Ginawa ni Vice ang pag-amin sa “Magpasikat” segment ng It’s Showtime. Marami ang natuwa at naiyak na din sa ginawang pag-amin ni Vice na halata namang masaya sa pagkakaroon niya ng isang Ion.

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay,” sabi ni Vice. “Kasi dito sa tenth year, nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don’t need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back.” dagdag pa ni Vice.

Dito na itinuro ni Vice si Ion at lumapit naman ang binata at binigyan ng halik si Vice.

“Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko—si Tutuy.” ang mensahe ni Ion.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube Screengrab – @ABS-CBN Entertainment)

You must be logged in to post a comment Login

More in News