Connect
To Top

Vice Ganda reflects on ‘Aldub’ popularity: “feeling ko wala nang nanonood ng Showtime”

TV host and actor Vice Ganda remembered the days when the loveteam ‘AlDub’ was dominating the noontime show space with their popularity. Vice said he felt like the entire country was watching ‘Eat Bulaga’ and no one is watching “It’s Showtime” because of ‘AlDub”.

AlDub is of course the love team of actors Alden Richards and Maine Mendoza who is playing the character of Yaya Dub.

“Hindi ko talaga keri ‘yon. Hindi ko alam kung paano ko yun idi-deal with. Kasi nangyari na ito sa amin dati, e. Ako talaga, hinanda ko talaga yung sarili ko na, feeling ko talaga, tatanggalin kami nung panahon ng AlDub. Prangkahan na,” admitted Vice.

“Panahon ng AlDub, feeling ko wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub. Tapos ang laking kasalanan kapag fan ka ng Showtime. Ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime. Parang nag-aaway-away ang mga tao sa social media. Parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime. Dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub, yung ganu’n. Tapos ang baba-baba na ng ratings ng Showtime,” added Vice.

“Tapos ako, laban na laban pa rin ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management at sasabihan ako na, ‘We are cancelling the show.’ Tanggap ko ‘yon.” Vice said.

“Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag yung show. Kaya sabi ko talaga, yun ang pinanghahawakan ko, e. Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ang ABS-CBN ngayon. Kasi nung nangyari ito sa buhay ko, hindi kami iniwanan ng ABS, e. Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin yung direktor namin, hindi yan iniwanan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami.” said Vice.

“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwan. Katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon. Yung taong papayag na, ‘Sige, sasamahan pa rin kita kahit wala na akong nahihita sa yo.’ Ang sarap noon. Kapag di na napapakinabangan iiwan ka, ang sakit nu’n. At ang bait-bait talaga ng Diyos dahil pinakinggan niya ang mga dasal natin,” ended Vice.

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin / @aldub_eb)

You must be logged in to post a comment Login

More in News