Willie Revillame nahuli ang modus ng contestant sa ‘Wowowin’

Willie Revillame nahuli ang modus ng contestant sa ‘Wowowin’

Talagang matalas at alam na alam ni ‘Wowowin’ host Willie Revillame ang kanyang programa at ang kanyang audience. Kabisado ni Willie ang nangyayari sa loob ng kanyang programa at talagang bibilib ka dahil namumukahaan pa niya ang kanyang mga audience.

Kagaya na lang ng isang episode na kung saan sinita niya ang isang audience na madalas daw niyang nakikita sa studio. Lumalabas sa kanyang pagtatanong na wala pala itong kasamang kahit anong grupo at nakikisali lang upang magbakasaling manalo.

==========

Related Stories:

Willie Revillame namigay ng pera sa mga ‘Kalye Boys’

‘Hipon Girl’ nakiusap kay Willie na huwag siyang tanggalin sa ‘Wowowin’

Janno Gibbs bumps into Willie Revillame while shopping: “Inutusan ang saleslady ‘Bigyan ng jacket yan!’”

==========

Hindi ito nagustuhan ni Willie dahil ayon sa host – mga modus daw ito at hindi ito fair. Kaya naman dahil sa pangyayari na disqualified ang isang contestant para maging isang leksyon ito sa lahat.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @Wowowin)


Share This Post