Connect
To Top

Zanjoe Marudo on cheating: “hindi siya acceptable lalo na yung nananakit”

Kapamilya star Zanjoe Marudo expressed his honest thoughts and opinions regarding cheating.

In a virtual media conference for the highly anticipated Philippine adaptation of ‘Doctor Foster’, ABS-CBN’s upcoming teleserye titled ‘The Broken Marriage Vow’, Zanjoe was asked, “Nu’ng inaaral mo yung motivation nung character mo, naapektuhan ka ba personally, mas naging forgiving ka na sa cheater at sa cheating?”

“Parang hindi eh, hindi pa rin ako papabor, hindi parin ako magiging papabor. Pero mas, kasi nasa ano talaga eh. Tulad nga ng sabi ko kanina, hindi mo mapipigilan ‘yung emosyon mo e, kung magkakagusto sa isang tao o maiinlove ka sa ibang tao kahit na may asawa ka na. Pero yung, yun nga kung paano mo siya iha-handle, itutuloy mo ba o hindi, kailangan mong pag-isipang mabute,” Zanjoe said.

“Kung magiging selfish ka ba, kung sarili mo lang iintindihin mo? Or hindi ka nga tutuloy dun pero kalbaryo naman kung nasaan ka ngayon? Nasa tao yun, kung ano ang kailangan niya sa buhay, kanya kanya naman yan, Pero yun nga, sabi ko ang goal ko, sana kahit katiting o ano, eh maintindihan nila yung character ni David kung saan siya nanggaling at kung bakit siya umabot sa ganung klaseng sitwasyon.”

“Kasi wala naman talagang masamang tao eh. Kumbaga, sitwasyon or yung experiences nila sa buhay, sa past, yun yung nagiging reason kung bakit sila nagiging ganito ngayon. Hindi, hindi pwedeng patawarin yung ganun lalo na sa kultura nating mga Pilipino, hindi siya acceptable lalo na yung nananakit diba.” Zanjoe added.

(Photo source: Instagram – @onlyzanjoemarudo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News