Connect
To Top

Coco Martin says doing “Ang Probinsyano” is a service to the country and the Filipino people

Actor Coco Martin greeted her ‘lola’ on Mother’s Day and thanked her for teaching him on how to fight and stand firm for what is right. Coco then alluded to the fact that his being vocal might be to his disadvantage but his co-workers on “Ang Probinsyano” comes first for the actor.

Coco also shared the sacrifices and sleepless night he and his team had to go through just to bring a quality show which Coco said is a service to the country and to the Filipino people worldwide.

==========

Related Stories:

==========

“Happy Mother’s Day sa’yo La.. Ikaw ang naghubog sa akin kung paano lumaban sa buhay, ang manindigan sa kung ano ang tingin kong tama.

Alam kong napakahirap ng pinasok ko, pwede naman akong manahimk na lang at magsawalang-kibo, pero napakasakit sa akin na makita kong naghihirap ang aking mga kasamahan sa trabaho habang ako ay kumportableng nabubuhay. Kami ang magkakasama na naghihirap para magkaroon ng ipapalabas gabi-gabi, kahit kaakibat nito ang peligro na may maaring maaksidente sa bawat eksenang ginagawa namin para mapasaya ang mga tumatangkilik sa amin.

Kung minsan ay halos hindi na kami umuuwi ng aming mga bahay para makita ang aming pamilya. Sinusuong namin ang kahit anong kalamidad makapagbigay lang ng kaledad na palabas sa manunuod, at upang makapagbigay ng inspirasyon na lumaban sa kahit anong hamon ng buhay. Hindi lang po basta trabaho ang ginagawa namin sa likod at harap ng camera, ito ang pagseserbisyo namin sa bayan at sa lahat ng Pilipino saan mang lupalop ng mundo!!!”

(Photo source: Instagram – @mr.cocomartin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News