Connect
To Top

Finalist Mariko Ledesma quits TNT Finals

Marami sa mga tagahanga at tagasuporta ni Mariko Ledesma ang nagulat nang inanunsyo niya ang kanyang desisyon na aatras na siya bilang finalist sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ finals ng “It’s Showtime.” Maaalala na katakot-takot na usapan ang nangyari ng siya ay hirangin bilang nagwagi laban kay Mariane Osabel na nakakuha ng 16.5% na score mula sa mga hurados.

Sa kanynag Facebook account ay idinetalye ni Mariko kung ano ang nangyari at nagdesisyon siyang umatras sa labanan:

==========

Related Stories:

Vice Ganda responds to netizens sentiment over Mariane vs Mariko TNT result

Dulce on ‘Tawag ng Tanghalan’ controversy: “Hindi po ako hihingi ng tawad”

K Brosas responds to netizen who threatens her daughter over TNT results

==========

“Hindi ko po alam pano ko Ito uumpisahan. Pero una sa lahat nag papasalamat ko sa Mga taong nagtiwala nagmahal at nagbigay sken suporta. Hindi madali sa akin ang pag quit ko sa tnt pero mas mahihirapan po ako kung ipagpapatuloy ko pa ang laban kung ay nag sa suffer sa depression .. Opo “ Depression po.. after po ng Laban ko kay mariane samut saring pangbabatikos po ang inabot ko at masyadong personal po ang pangba bash na inabot ko.

Mula pm, dm at dumating pa Sa point na may txt pa. Sana po itigil nyo na po ang pang na bash kc tao po kami nasasaktan at hindi nyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina bash nyo. Naway maging malawak po sana ang isip naging lahat na sa isang kompetisyon May mananalo at may matatalo.

Sana patuloy nyo paring suportahan ang mga grand finalists ng TNT dahil po sila ay deserve sa kinalalagyan nila. Salamat po sa showtime sa buong puso nilang pagtangap sa aking disisyon. Tatanawin ko pong malaking utang na loob Ito. Godbless us all Ako po si Mariko… Tao po Ako…”

(Photo source: Facebook – @Marjo Mariko Ledesma)

You must be logged in to post a comment Login

More in News