Connect
To Top

Is this the ‘wedding vow’ of Ion Perez to Vice Ganda?

Kinilig ng husto si Vice Ganda nang marinig niya ang ‘wedding vows’ na inakala niya ay kay Ion Perez nguni’t ginudtime lang pala siya ng kanyang co-host na si Vhong Navarro. Sa isang segment ng “It’s Showtime” na ‘Kaparewho’ ay ipinahawak ni Vhong ang kamay ni Vice sa isang contestant habang si Ion naman ang nagbibigay ng kanyang mga pangako kay Vice.

“Pinapangako ko sayo, hindi ko man maibibigay sayo yung mundo pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, mapaligaya ka. At higit sa lahat iingatan ko ang damdamin mo. Di ako papayag na masaktan ka. Yun lang, mahal na mahal kita.” sabi ni Ion.

==========

Related Stories:

WATCH: Vice Ganda gets jealous of Anne Curtis and Ion Perez

Vice Ganda admits Ion Perez is special: “Napapasaya niya ako, napapangiti, napapakilig niya ako”

Vice Ganda and Ion Perez receive ‘monthsary’ greetings from celebrity friends

==========

Kinunan ng video ni Vhong ang buong pangyayari at ipinakita kay Vice kaya nalaman niyang goodtime lang pala iyon. Nguni’t may mga ilang netizens na nagsasabing mukhang totoong pangako daw ito ni Ion kay Vice dahil feel na feel ng binata ang kanyang mga binibitiwang salita.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @ABS-CBN Entertainment)

You must be logged in to post a comment Login

More in News