Connect
To Top

Kim Molina walks out of iWant ASAP; host Robi Domingo reacts

Marami ang nagulat nang mag-walk out ang ‘Jowable’ star na si Kim Molina sa programang “iWant ASAP” na kung saan ay host sina Robi Domingo, Donny Pangilinan, Edward Barber at Maymay Entrata. Sa challenge nilang ‘Jojowain’ or ‘Trotropahin’ ay nagpakita ng ilang larawan ang programa kay Kim at kailangan nitong sabihin kung ano ang desisyon niya – jojowain ba nya ito o trotropahin.

Ipinakita ang mga larawan nina Empoy, Long Mejia at iba at makikitang tila hindi nagustuhan ni Kim ang nasabing challenge.

==========

Related Stories:

Kim Molina on doing love scenes with boyfriend Jerald Napoles: “Ang awkward kasi”

==========

Makikita sa video na kinakausap ni Kim si Robin off mic at parang sinasabing hindi sya comfortable sa ginagawa. Maya-maya ay nag-walkout si Kim sa stage na ikinagulat ng marami.

Mas marami ang nabigla nang magsalita si Robi at sinabing sa tagal na nyang mag-host at sa pagkakasali niya sa mga reality shows ay hindi siya naniniwalang nagalit si Kim sa challenge kaya ito nag-walkout. Alam ni Robi na ‘prank’ lang ang lahat.

At lumabas na tama nga si Robi, prank lang ang lahat at nabuko sila ni Robi. Sabi nga ni Kim “ang hirap talaga ng sobrang talino.”

Narito ang nakakatuwang eksena:

(Photo source: Youtube screengrab – @iWant)

You must be logged in to post a comment Login

More in News